Friday, January 21, 2005

Math Problem Part 2

Akala mo tama ka. Hindi pala.

Ako nga ang tama. Ayaw mo kasing maniwala. Nagawa mo pa akong sigawan.

Pasensya na ako. Hindi ka talaga magaling sa ganyan. At palagi mong ipinipilit ang gusto mo, tulad ko.

Ang hirap naman ng ganito. Buong pag-aakala mo, naiintindihan mo. Iyon pala'y hindi pa.

Kahiya-hiya namang kailangang batukan pa kita para maisip mong tama ako.

Hindi ko alam kung dapat akong matuwa o malungkot.

Pero sa ngayon, nakangiti ako, para takpan ang sakit na dulot ng pangyayari. At paulit-ulit kong inaalala sa aking hagap ang imahen kong binabatukan & tinatawanan ka...

kasi ikaw ay isang tanga...manghihingi ka ng tulong pero hindi ka nagtitiwala...handa naman akong tulungan ka at aminin ang pagkakamali ko, pero matigas lang talaga ang ulo mo & ayaw mo magpatalo.

Nakakatawa ka. Tanga ka. Pero mahal kita.


teka...

Ako pala yung tanga.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home