Thursday, January 20, 2005

Math Problem Part 1

Akala ko tama ako. Hindi pala.

Pasensya ka na. Hindi talaga ako magaling sa ganyan e.

Ang hirap naman ng ganito. Buong pag-aakala ko, naintindihan ko na. Iyon pala'y hindi pa.

Kay sakit isiping ikaw pa ang kinakailangang magsabi sa akin noon.

Hindi ko alam kung dapat akong matuwa o malungkot.

Pero sa ngayon, umiiyak ako dahil sa sakit na dulot ng pangyayari. At paulit-ulit kong inaalala sa aking hagap ang imahen kong naglalakad palayo sa iyo, sumisigaw, nananaghoy, nananawagan...

na sanay hindi ka na lamang nanghingi ng tulong dahil hindi ko naman pala alam kung ano yan, sabi mo...at hindi kita matutulungan sa bagay na iyan.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home