Saturday, September 13, 2003

Ang Aking Libro Sa Math

Gaya ng nakasanayan
Magkasama tayo.
Tayong dalawa muli
Sa silid na ito.
Pahiram ng libro,
‘yan ang wika mo
ngunit napaisip ako
sa sinabi mo

ipahihiram ko ba ang aking libro?

Ayoko
Baka mabasa niya sa mga pahina nito
Ang tunay na nilalaman
Ng puso ko.
Baka Makita niya sa mga larawan dito
Ang dinudulot niyang kulay
Sa mundo ko.
Baka madama niya sa mga dahon ng libro
Ang saying dala niya
Sa pakiramdam ko.
Baka mahanap niya ang mga sagot
Sa mga katanungan
Sa aking kalooban.

Sige na nga,
Gagawin ko

Bahala na kung
Mabasa
Makita
Madama
mahanap
Na

Kung ang damdamin ko’y
Malaman na niya

Palagay ko rin naman
Kapag tapos na siya

Ang aking libro’y
Ibabalik din niya…

0 Comments:

Post a Comment

<< Home